^

PM Sports

Pacquiao, Bradley magkikita na uli

Pang-masa

BEVERLY HILLS, California – Ang basketball, hindi ang boxing ang unang napag-usapan nang makasama ni Manny Pacquiao ang mga kaibigan niya sa kanyang Beverly Hills Hotel suite noong Lunes ng gabi.

Sinabi ng Filipino boxing superstar na pinapanigan niya ang Alaska Milk sa title series nito laban sa San Miguel Beer para sa 2016 PBA Philippine Cup crown.

May simpleng paliwanag si Pacquiao, ang playing-coach ng Mahindra Enforcers sa PBA.

“It has better teamwork. In basketball, it’s not about having one or two good players. It’s about teamwork,” wika ni Pacquiao.

Umupo siya sa sofa kasama ang kanyang asawang si Jinkee at nilantakan ang paborito niyang steak dinner habang pinapanood ang college basketball game ng Oklahoma at Iowa State sa TV.

Nang tanungin ang kanyang koponan sa PBA, sinabi ni Pacquiao na, “I haven’t focused on it lately.”

Dumating dito si Pacquiao para sa two-leg press tour ng kanilang April 9 WBO title fight ni Timothy Bradley.

Mula sa Los Angeles International Airport ay dumiretso siya sa kanyang hotel kasama ang Team Pacquiao.

Sinabihan si Pacquiao na tumutuloy din si Bradley, ang reigning WBO welterweight champion sa Beverly Hills Hotel.

“Mabuti naman,” sambit ni Pacquiao.

Bukas ay sisimulan nina Pacquiao at Bradley ang pagpapaingay sa kanilang ikatlong laban sa loob ng tatlong taon matapos ang controversial win ng American fighter at unanimous decision ng Filipino superstar.

Isang press conference ang nakatakda sa Crystal Ballroom ng hotel kung saan makakapanayam ng media ang dalawang fighters.

Kinaumagahan ay sasailalim si Pacquiao sa medicals at isang serye ng 15-minute interviews sa media outlets na Dish, Vubiquity, Azteca at Univision. Pagkatapos nito ay pipirmahan niya ang mga boxing gloves na gagamitin sa promotion.

Magbibigay din ng interview ang kanyang trainer na si Freddie Roach.

Sa Miyerkules ng umaga ay bibisita si Pacquiao sa kanyang doctor sa Los Angeles para tingnan sa huling pagkakataon ang kanyang kanang balikat.

Sina Richard S. Gluckman at Neal Elattrache, nagsagawa ng surgery kay Pacquiao, ang magdedesisyon kung handa na siyang lumaban.

Sa Miyerkules ng hapon ay bibiyahe ang grupo ni Pacquiao sa New York City at darating ng gabi sa JFK Airport.

Ang ikalawang press conference ay nakatakda sa Huwebes sa Madison Square Garden. Babalik agad sa Manila si Pacquiao sa Biyernes. (AC)

vuukle comment

ACIRC

ALASKA MILK

ANG

BEVERLY HILLS HOTEL

BRADLEY

CRYSTAL BALLROOM

FREDDIE ROACH

IOWA STATE

KANYANG

PACQUIAO

SA MIYERKULES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with