Trilogy mahirap ibenta
MANILA, Philippines – Marami ang nagtaas ng kilay nang piliin ni Manny Pacquiao na muling labanan si Timothy Bradley, Jr. sa pangatlong pagkakataon.
Inamin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na mahihirapan siyang ibenta ang naturang HBO Pay-Per-View trilogy bout nina Pacquiao at Bradley.
Ito ay bunga ng galit ng mga boxing fans sa nakakaantok na super fight nina Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) at Floyd Mayweather, Jr. (49-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Of course, I understand the reaction to the Mayweather-Pacquiao fight is going to impact us. Clearly, yes. There is no question about that,” sabi ni Arum sa panayam ng Yahoo Sports.
Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision kung saan inamin ng Filipino world eight-division champion na nagkaroon siya ng shoulder injury sa fourth round kaya hindi niya napabagsak ang American world five-division titlist.
Tinalo naman ni Bradley (33-1-1, 13 KOs) si Pacquiao mula sa kontrobersyal na split decision victory noong Hunyo ng 2012 kung saan kumita ang laban ng 890,000 pay-per-view buys.
Sa kanilang rematch ni Pacquiao noong Abril 2014 na naipanalo ni ‘Pacman’ ay umabot lamang ito sa 800,000 PPV buys.
“Will we do the same numbers for the first two Bradley fights? Probably not. We’re going to try to come as close as we can, and hopefully exceed it, but I understand what we’re up against,” sabi ni Arum.
Itinakda ni Arum ang ‘trilogy’ nina Pacquiao at Mayweather sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ayon kay Arum, mas malaki ang kikitain ng ikatlong salpukan nina Pacquiao at Bradley kesa sa dalawa pang kandidatong sina WBO light welterweight ruler Terence Crawford (27-0-0, 19 KOs) at Amir Khan (31-3-0, 19 KOs).
Ito ay base sa kanyang pakikipag-usap sa HBO at sa mga pay-per-view distributors.
Ang magiging ‘selling point’ ng PPV ay ang pagkuha ni Bradley sa bago niyang trainer na si Teddy Atlas.
Sinibak ni Bradley si trainer Joel Diaz noong Setyembre at hinugot si Atlas.
Unang nagtambal sina Bradley at Atlas noong Nobyembre kung saan pinigil ni Bradley si Brandon Rios sa ninth round.
- Latest