^

PM Sports

Kulit Bulilit nanguna sa PSA Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napalundag ng maayos ni Lester F. De Jesus  ang sakay na Kulit Bulilit para magbida sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup kahapon sa Santa Ana Park.

Ang may apat na taong kabayo na mula sa inahing si Lifelively at istalyong First Blush ay naunang nakalundag sa mga kalaban sa pagbubukas ng aparato. Pero sadyang masasabing “stayer” o deremate ang Kulit Bulilit kaya naman dagliang naagaw sa kanya ang trangko ng mga de-boka o “sprinters” na kalaban.

Mula rito ay nanguna na ang dehadong si El Mundo na pinatungan ni J.D.Flores at kasunod   ang mga dehadong Tang’s Dynasty, Bean, Beach Surfer at Dominatore.

Sa huling kurbada ay nahirapang malampasan ng unang paboritong Beach Surfer na dala ni J.B. Guerra itong si El Mundo na nagmatigas  hanggang rektahan. Dito nakasilip ng puwang ang Dominatore ni Dan Camañero na nakapagparemate sa may tabing balya.

Nang papalampas na  ang Beach Surfer ay nag-umento ang Dominatore pero ang tila nakapagpahinga  na si Kulit Bulilit dahil hindi muna kumilos sa kaagahan ng karera  at sumingit sa pagitan ng da­lawang nangungunang kabayo.

Eksakto pagtapak sa finish line ay may kalahating katawang kabayo ang agwat ng Kulit Bulilit mula sa Dominatore na may isang ulong kalamangan sa Beach Surfer na tersero at nakabuntot rin para sa ikaapat na puwesto ng panibagong one horselenght si  El Mundo.

Tinapos ng Kulit Bulilit ang PSA Cup sa bilis na 1:14.8 na may quarter times na 25, 23 at may dating pang 26-medya sa distansiyang 1,200 meters.

Nagdiwang ang koneksyon ng Kulit Bulilit na sina Angeline Chua (may-ari); Nelson Lorica (trainer) at De Jesus (hinete) nang masungkit ang paprem-yo ng pakarera para sa pinaka-prestihiyosong grupo ng mga sportswriters and sports editors.

Nagbigay ang forecast combine na 11-1 tambalang Kulit Bulilit at Dominatore ng P144.00 sa bawat P5 wager at naka-dibidendo rin ito ng P166.50 sa bawat isang ticket sa doubles na 7/11 na kumabit kay Run Atop.

vuukle comment

ANG

ANGELINE CHUA

BEACH SURFER

BULILIT

DAN CAMA

DE JESUS

EL MUNDO

FIRST BLUSH

KULIT

KULIT BULILIT

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with