One-game suspension kay Rondo
NEW YORK – Pinatawan ng NBA si Sacramento Kings guard Rajon Rondo, tinulungan ang Boston Celtics na magkampeon noong 2008, ng one-game suspension without pay matapos ang kanilang kabiguan sa Mexico City.
Hindi maglalaro ang 29-anyos na playmaker sa home game ng Kings kontra sa Houston Rockets sa Martes bilang parusa kaugnay sa kanyang “directing a derogatory and offensive term towards a game official and not leaving the court in a timely manner upon his ejection.”
Nangyari ang insidente nang matawagan si Rondo ng dalawang technical fouls at ejection sa 6:30 minuto ng third quarter sa 97-114 kabiguan ng Kings sa Celtics noong December 3.
Nagtatala si Rondo ng mga averages na 12.6 points, 11.0 assists at 6.9 rebounds para sa Sacramento.
Matapos ang higit sa walong seasons para sa Boston ay dinala si Rondo ng Celtics sa Dallas Mavericks noong nakaraang Disyembre kasunod ang pagkakalipat niya sa Sacramento sa off-season.
- Latest