^

PM Sports

UST, UE kampeon sa taekwondo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinuwerte ang UST Tigers na nanalo sa UE Warriors para angkinin ang men’s title sa UAAP taekwondo competition.

Tumapos ang Tigers at Warriors bitbit ang magkatulad na 5-1 karta dahil natalo ang UST sa La Salle Archers. Pero nakatulong ang pangingibabaw sa Warriors para kunin ang ika-13th titulo sa dibisyon.

Si Joaquin Mendoza ng UST ang siyang kinilala bilang MVP ng liga at si Kyle Arsenal ang Rookie of the Year sa dibisyon.

Pinawi naman ng Lady Warriors ang kinapos na kampanya sa kalalakihan nang walisin ang anim na laro tungo sa titulo.

Tinapos ng Lady Warriors ang kampanya sa 5-2 at 4-3 panalo laban sa National University at FEU at sina Karen Celis at Baby Jessica Cabanal ang siyang itinanghal bilang MVP at Rookie of the Year mula sa kanilang koponan.

Hindi naman umuwi ng walang titulo ang UST dahil pinangunahan nila ang poomsae event.

vuukle comment

ANG

BABY JESSICA CABANAL

KAREN CELIS

KYLE ARSENAL

LA SALLE ARCHERS

LADY WARRIORS

NATIONAL UNIVERSITY

PERO

PINAWI

ROOKIE OF THE YEAR

SI JOAQUIN MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with