^

PM Sports

Accel Quantum-3xVI NCAA Press Corps Player of the Week

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nang talunin ng Arellano Chiefs ang five-peat champions na San Beda Red Lions noong nakaraang Biyernes ay kitang-kita ang galit ni point guard Jio Jalalon.

Ngunit nilinaw ng 23-anyos na tubong Caga-yan De Oro City na hindi siya galit sa Red Lions.

“Galit lang ako kasi sa dalawang huling talo namin, kaya naming ipanalo ‘yon,” sabi ni Jalalon, kumamada ng 25 points, 8 assists at 7 rebounds para igiya ang Chiefs sa 91-72 panalo kontra sa Red Lions sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament.

Winalis ng Arellano ang dalawang duwelo nila ng San Beda nga-yong season makaarang kunin ang 88-84 panalo sa first round noong Agosto 18 kung saan nagtala si Jalalon ng 22 points, 8 assists at 6 boards. Dahil sa kanyang kabayanihan ay hinirang si Jalalon bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.

Sa first period pa lamang ng kanilang ikalawang paghaharap ng Red Lions ay tumipa kaagad si Jalalon ng 11 points para pangunahan ang ratsada ng Arellano hanggang sa fourth quarter.

Ang naturang panalo ang nagpalakas sa tsansa ng Chiefs sa Final Four.

vuukle comment

ANG

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

DE ORO CITY

FINAL FOUR

JALALON

JIO JALALON

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RED LIONS

SAN BEDA

SAN BEDA RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with