^

PM Sports

Lady Tams, EAC third placers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalo pang bumangis ang laro ng FEU Lady Tamaraws para siluin ang ikatlong puwesto sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Confe-rence gamit ang 25-16, 25-23, 25-17 panalo sa UST Tigresses kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib sa 24 kills ang mga guest players na sina Jovelyn Gonzaga at Honey Royse Tubino, may tatlong blocks si Remy Palma habang sina Bernadeth Pons at Carlota Hernandez ay may tig-dalawang aces para pakinangin ang laro at makumpleto ang 2-0 sweep sa ligang inorganisa  ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Gonzaga ang na-nguna bitbit ang 15 puntos, 14 ay kills, habang tig-12 ang hatid nina Tubino at Pons para makabawi matapos ang nabigong hangarin para mapanati-ling suot ang titulo sa liga.

Hindi na rin nagpabaya pa ang Emilio Aguinaldo College Generals nang kunin na rin ang bronze medal sa Spikers’ Turf sa pamamagitan ng 25-14, 25-21, 25-19 tagumpay laban sa NCBA Wildcats.

May 11 puntos lamang ang kamador na si Howard Mojica pero kuminang sina Keith Melizza at Isarael Encina na tumapos taglay ang 13 at 10 puntos para makumpleto rin ang 2-0 sweep.

Nagtala ng 13 at 10 kills sina Melliza at Mojica para sa 41-24 dominasyon sa attack points upang maging epektibong sandata ng Generals. (AT)

vuukle comment

ANG

BERNADETH PONS

CARLOTA HERNANDEZ

COLLEGIATE CONFE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

HOME ULTERA

HONEY ROYSE TUBINO

HOWARD MOJICA

ISARAEL ENCINA

JOVELYN GONZAGA

KEITH MELIZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with