^

PM Sports

Ateneo, NU Spikers maghaharap sa finals

Pang-masa

Laro sa Setyembre 20 (The Arena, San Juan)

3 p.m. – Ateneo vs National University (Game 1, Finals)

MANILA, Philippines – Hindi na pinaporma pa ng Ateneo Eagles at National University Bulldogs ang mga nakaharap para selyuhan ang pagtatagpo sa championship sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nagbago ang larong ipinakita ng Eagles para sa isa pang madaling 25-19, 25-13, 25-22, straight sets panalo sa NCBA Wildcats habang umukit ang Bulldogs ng 25-19, 25-22, 22-25, 25-22, panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa pagtatapos ng semifinals kahapon.

Parehong tinapos ng Ateneo at NU ang best-of-three semis series sa 2-0 karta para umabante sa best-of-three finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang Game One ay paglalabanan sa Setyembre 20 habang ang Game Two ay sa Setyembre 27. Kung magkakatabla ang magkabilang panig ay sa Oktubre 4 mapapanood ang ikatlo at huling laro.

Apat na Eagles sa pangunguna ni Marck Espejo na may 11 puntos ang gumawa ng 10 puntos pataas para sa balanseng pag-atake.

Tulad sa unang pagtutuos ay hindi nakasabay ang Wildcats at patunay rito ay ang kawalan ng manlalaro ng NCBA na nasa double-digits.

Kinapitan ng Bulldogs ang kanilang depensa na nakatrangko sa blocks at digs para walisin ang NCAA champion Generals. (AT)

vuukle comment

ANG

ANG GAME ONE

ATENEO

ATENEO EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GAME TWO

HOME ULTERA

MARCK ESPEJO

NATIONAL UNIVERSITY

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SETYEMBRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with