^

PM Sports

‘King’ James nagpasikat sa harap ng Royal Couple

Pang-masa

NEW YORK – Ipinakita ni LeBron James kay Prince William na masarap maging ‘King’.

Mula sa isang dikitang laro ay ginawa ni James at ng Cleveland na isang basketball clinic ang kanilang laro sa harap ni Prince William at ng kanyang asawang si Kate na nanood sa courtside nang talunin ng Cavaliers  ang Brooklyn Nets, 110-88.

Nilamangan ng Cleveland ang Brooklyn, 49-27 nang dumating ang royal couple ng Britain  na pinagkaguluhan ng mga camera at mga tao bago nagtabla ang score.

“Yeah, they brought luck to us,” sabi ni James.

Binigyan ni James ang Duke at ang Duchess of Cambridge ng cupcakes mula sa isang panaderya sa kanyang lugar sa Akron, Ohio at ilang Cavaliers jerseys: ang isa ay para sa kanilang anak at isa pang may nakasulat na “Cambridge” sa likod.

“It was their first time watching a basketball game, so it was an honor that I would be that guy they decided they wanted to watch,” wika ni James.

Tumitira si Kevin Love ng free throws nang lumabas ang royal couple mula sa isang tunnel, may 7:14 minuto sa third quarter.

Tila naapektuhan ng malalakas na sigawan, naimintis ni Love ang ikalawa niyang free throw na nagtabla sa laro sa 61-61.

“It was a little bit more of a distraction than people waving towels or waving whatever it is that they do,” wika ni Love. “Yes, it was big distraction. I just tried to make the second shot and it ended up being about a foot short.”

Ngunit nagpasikat si James sa pamamagitan ng kanyang mga magagandang pasa at pag-iskor ng 9 points sa nasabing yugto para akayin ang Cavs sa kanilang pang-pitong sunod na panalo.

Tumapos si James na may 18 points matapos samahan si Kyrie Irving at iba pang Nets players na magsuot ng “I Can’t Breathe” shirts sa kanilang warmups bilang suporta sa pamilya ni Eric Garner, namatay noong Hulyo 17 matapos sakalin ng isang police officer na umaresto sa kanya dahil sa pagbebenta ng puslit na sigarilyo.

vuukle comment

BINIGYAN

BROOKLYN NETS

DUCHESS OF CAMBRIDGE

ERIC GARNER

I CAN

JAMES

KEVIN LOVE

KYRIE IRVING

PRINCE WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with