^

PM Sports

Bringer of Rain pinasaya ang mga karerista

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naghatid ng kasiyahan ang kabayong Bringer Of Rain nang manalo bilang dehado sa sinalihang karera noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si RA Tablizo ang hinete ng limang taong kabayo.

Nasa unahan agad ang Bringer Of Rain kasama ang Speed Maker, Royal Jester at ang paboritong Dome Of Peace. Lumayo  ang Bringer Of Rain sa far turn pero mainit na ang Dome Of Peace na sakay ni Dominador Borbe Jr.

Balikatan na ang nangyari pero suwerte ang nagwaging kabayo na sapat  ang inilayo sa Dome Of Peace para manalo ng isang ulo sa meta.

Hindi napaboran ang Bringer Of Rain para maghatid ng P64.00 sa win habang ang 2-5 forecast ay nagbigay ng P76.50 dibidendo.

Kuminang din ang Gogosnakegosnakego sa paboritong Hot Gossip sa isang handicap race 1A na inilagay sa 1,200-metro distansya.

Si RO Niu Jr. ang nagdala sa Gogosnakego-snakego na nagpamahagi ng P58.50 sa win. Ang pagkasilat ng Hot Gossip ay nagpasok ng mas ma-laking P243.00 sa forecast.

Ang iba pang nanalo ay ang Smooth Runway sa race one, Julia Ynna Yssa sa race two, Dauntless sa race three, Pays-tobesmart sa race five, Dandino sa race 6, Wild Storm sa race 7, Penetrator sa race 8 at Orthodox sa race 10. (AT)

 

 

vuukle comment

BRINGER OF RAIN

DOME OF PEACE

DOMINADOR BORBE JR.

HOT GOSSIP

JULIA YNNA YSSA

NIU JR.

RACE

ROYAL JESTER

SANTA ANA PARK

SMOOTH RUNWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with