^

PM Sports

Tac Padilla wala pa ring kupas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagdodomina ni Nathaniel ‘Tac’ Padilla sa 25-meter rapid fire at centerfire pistol events nang kanyang makopo ang gold medals sa kasalukuyang National Shooting Championships sa PSC-Marine range sa Fort Bonifacio, Taguig.

Bilang national champion sapul noong 1978, ang 50-gulang na si Padilla ay nagtala ng 557 points upang igupo sina Ronald Hejastro (528) at Clarence Pukya (513) sa rapid fire at nagtala rin ito ng 556 sa centerfire upang talunin sina Pukya (552) at Carolino Gonzales (528).

 “My twin wins are my gifts to my father, who is celebrating his birthday soon,” sabi ni Padilla na anak ng dating Olympian at long-time national shooter Mariano ‘Tom’ Ong na siyang nagpakilala sa kanya sa pagso-shooting noong siya ay magte-10 gulang pa lang.

Bagama’t abala ito sa pagpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya na Spring Cooking Oil, hindi nawala ang porma ni Padilla na asam ang kanyang ikatlong gold sa standard pistol competition sa susunod na linggo.

Nagpakitang gilas din sina Jayson Valdez, ang produkto ng NYDP (National Youth Development Program) ni Padilla sa ilalim ng shooting association at dating national shooter Susan Aguado sa tournament.

Nanalo si Valdez sa 50-meter men’s air rifle event sa kanyang naitalang 588 at sa 50-meter men’s 3-position sa kanyang 1136 at pumangalawa sa 50-meter men’s rifle prone sa kanyang 576,  habang si Aguado, na nagko-coach na ngunit bumalik lamang sa active competition, ay nagtala ng 527 points upang igupo si Shanin Gonzales (526) at Gloria Cabuslay (473) sa 25-meter sports pistol match.

Ang iba pang gold medalists ay sina Amparo Teresa Acuna sa 50-meter women’s air rifle, Benny Cagurin sa 50-meter men’s rifle prone at Tito Carpio sa 50-meter free pistol.

 

vuukle comment

AMPARO TERESA ACUNA

BENNY CAGURIN

CAROLINO GONZALES

CLARENCE PUKYA

FORT BONIFACIO

GLORIA CABUSLAY

JAYSON VALDEZ

METER

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with