^

PM Sports

Ateneo gustong sumosyo sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumapit sa itaas ng standings ang pakay ng Ateneo Blue Eagles habang solohin ang ikaapat na puwesto ang balak ng nagdedepensang kampeon La Salle sa pagpapatuloy ngayon ng 77th UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Katipan ng Eagles ang UST Tigers sa tampok na laro na magsisimula matapos ang pagkikita ng Archers at UP Maroons sa ganap na ika-2 ng hapon.

May limang sunod na talo para sa 26-diretso mula noong  2002, wala ring head coach ngayon ang Maroons matapos patawan  ng dalawang larong suspension ni league commissioner Andy Jao si Rey Madrid.

Matatandaan na inakusahan ni Madrid ang mga game officials ng point shaving matapos ang 57-73 pagkatalo sa UST sa huling laro.

Hiningian ng pruweba ni Jao si Madrid sa akusasyon pero sa kanyang liham na ipinadala sa Commissioner’s Office ay paghingi ng paumanhin ang kanyang sinabi.

“This statement clearly showed there was an intention on your part to undermine the integrity of the Commissioner’s Office, who supervises the officials of the games, as well as the whole conduct of The UAAP Tournament,” wika ni Jao sa kanyang tugon.

Tanggap niya ang paumanhin pero hindi puwedeng pabayaan ang maling inasta ni Madrid para parusahan.

Bunga nito ay sa second round na makakabalik sa bench ng UP si Madrid.

Pihadong gagamitin ng UP bilang motibasyon ang bagay na ito ngunit asahan na hindi magpapabaya ang Archers na balak kunin ang ikaapat na sunod na panalo at iwanan pansamantala ang FEU Tamaraws na kasos-yo sa 3-2 baraha.

Itataya ng Tigers ang kanilang 3-game winning streak sa Eagles na nanggaling sa mahigpitang 81-78 panalo sa Tamaraws sa huling asignatura.

Si Karim Abdul ang sasandalan sa ilalim habang sina Kevin Ferrer, Aljon Mariano at Louie Vigil ang aasahan sa pagpuntos sa labas. (AT)

vuukle comment

ALJON MARIANO

ANDY JAO

ATENEO BLUE EAGLES

JAO

KEVIN FERRER

LA SALLE

LOUIE VIGIL

REY MADRID

SI KARIM ABDUL

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with