^

PM Sports

Q’finals asam ng NU

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng National University Lady Bulldogs ang opisyal na makapuwesto sa quarterfinal round sa pagharap sa matikas na PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikatlong panalo sa limang laro ang makukuha ng Lady Bulldogs sakaling masilat nila ang pumapangalawang Turbo Boosters (4-1) sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Pipilitin ng PNP Lady Patrollers na makaiwas sa agarang pamamahinga sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa sa pagbangga sa nangungunang Army-Lady Troopers sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

May 0-5 karta ang PNP katulad ng pahi-ngang UP Lady Maroons at isang pagkatalo pa ay tuluyan nang mapapatalsik ang koponan.

Kailangang lumabas ang angas ng laro ng PNP dahil balak ng Lady Troopers ang kapitan pa ang liderato sa walong koponang liga sa pag-hablot ng ikalimang dikit na panalo.

Galing ang Lady Bulldogs sa straight sets panalo sa PNP noong Linggo at may 18 puntos si Jaja Santiago habang 25 excellent sets ang naihatid ni NU setter Ivy Jisel Perez.

Dapat na magpatuloy ang magandang ipinakikita ng Lady Bulldogs dahil pursigido ang Turbo Boosters na bumangon mula sa paglasap ng unang kabiguan sa kamay ng Army sa straight sets noong Hulyo 17.

 

vuukle comment

ARMY-LADY TROOPERS

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

IVY JISEL PEREZ

JAJA SANTIAGO

LADY

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

LADY PATROLLERS

LADY TROOPERS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with