^

PM Sports

Argentina pasok sa semifinals

Pang-masa

BRASILIA - Umabante ang Argentina sa semifinal round ng World Cup sa unang pagkakataon matapos ang 24 taon nang talunin ang Belgium, 1-0 sa kanilang quarterfinal match.

Ang goal ni Gonzalo Higuain sa pang-walong minuto ng laro ang naging sandigan ng Argentina para talunin ang Belgium.

Noong 1990 ay pumasok ang Argentina sa likod ni team captain Diego Maradona sa semis ng World Cup.

“We still have two matches to go so we can have the dream, the dream that brought us here from the very first day,’’ sabi ng 24-anyos na si Higuain sa Argentina.

Ang pagkakaharang sa tirada ni superstar Lionel Messi ang nagbigay-daan sa goal ni Higuain. Nakadalawang goal sana ang striker sa second half kundi lamang tumama sa bar ang kanyang tira na isang driving run.

Muntik namang makaiskor para sa Belgium sina Kevin Mirallas at Marouane Fellaini sa kanilang mga nabigong headers.

 Lalabanan ng Argentina sa semis ang Netherlands na tinakasan ang Costa Rica sa shootout, 4-3, sa isa pang quarterfinal game.

Si substitute goalkeeper Tim Krul, ipinasok lamang para sa shootout, ang sumalag sa mga sipa nina Bryan Ruiz at Michael Umana ng Costa Rica para selyuhan ang panalo ng Netherlands matapos ang 0-0 draw.

vuukle comment

BRYAN RUIZ

COSTA RICA

DIEGO MARADONA

GONZALO HIGUAIN

HIGUAIN

KEVIN MIRALLAS

LIONEL MESSI

MAROUANE FELLAINI

MICHAEL UMANA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with