^

PM Sports

Army Lady Spikers nalo sa UP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas uli ang magandang porma nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga habang solido rin ang larong ibinigay ni MJ Balse para itulak ang Philippine Army sa madaling 25-18, 25-13, 25-17, panalo sa UP sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Daquis at Gonzaga na siyang gumabay sa FEU sa titulo sa First Confe-rence, ay tumapos taglay ang 14 at 10 puntos habang si Balse ay mayroong siyam na kills at tatlong  aces tungo sa 13 puntos.

Dahil kontrolado ng Lady Troopers ang kabuuan ng labanan, nagdesisyon si coach Rico de Guzman na ipahinga ang kanyang starters na sina Gonzaga, Tina Salak at Jacqueline Alarca sa ikatlong set.

Sinamantala ito ng pamalit na si Ginie Sabas na gumawa ng anim na puntos sa huling set para makasalo sa National University at Ateneo sa liderato ng liga na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Nagpatuloy ang pag-hugot ng magandang laro mula kay Katherine Bersola na may 11 puntos mula sa pitong kills, tatlong blocks at isang ace. Pero wala pa rin mahalagang suporta mula sa mga kakampi para mabigo ang Lady Maroons sa ikalawang sunod na asignatura.

Sumalo na rin sa mga nangungunang koponan ang Philippine Air Force nang pataubin ang PNP Patrollers, 25-22, 25-23, 25-8, sa ikalawang laro.

Sina Judy Caballejo, Maika Ortiz at Iari Yongco ay nagsanib sa 32 puntos habang si Rhea Dimaculangan ay may 23 excellent sets sa unang panalo ng Air Spikers  pero  ikalawang dikit na pagkatalo sa PNPPatrollers. (AT)

vuukle comment

AIR SPIKERS

FIRST CONFE

GINIE SABAS

GONZAGA

IARI YONGCO

JACQUELINE ALARCA

JOVELYN GONZAGA

KATHERINE BERSOLA

LADY MAROONS

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with