^

PM Sports

Rock Star nakalusot sa dalawang kabayo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahusay na ginamit ni KE Malapira ang pagitan ng dalawang nauunang kabayo para kunin ng Rock Star ang panalo sa class division two race no­ong Miyerkules ng ga­bi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dehado ang nanalong tambalan dahil hindi tumimbang ang Rock Star sa huling mga takbo nito at ang panggugulat ay nag­hatid pa ng suwerte sa isang mananaya na lumabas na milyonaryo sa pa­ng­alawang gabi ng pista sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Tila ang napaborang Silver Groom at Witness In Manila ang siyang mag­tutuos sa karerang ini­lagay sa 1,400-metro dis­tansya dahil angat na ang dalawang kabayo sa pag­pasok ng rekta.

Pero ang nasa ikatlong puwesto na Rock Star ay ma­husay na nailusot ni Ma­lapira sa gitna ng da­la­wang nag-uunahang ka­bayo upang tuluyang ma­kuha ang hindi inaasahang pa­na­lo sa karera.

Naipakita ng panalo ng tambalan na hindi pa da­pat na bumaba ng di­bis­yon ang Rock Star na da­ti ay kumakampanya sa class division 3.

Nagpasok ng P784.00 ang win pero mas kuma­big ang mga nanalig sa husay ng mga deha­dong kabayo na nag­laban sa forecast dahil ang 4-10 kumbinasyon ay nagpamahagi pa ng P50,560.00 dibidendo.

Hindi lamang ito ang naging biyaya sa mga naniwala sa husay ng Rock Star dahil isang mapalad na mananaya na naisama sa kanyang tinayaan sa Winner Take All ang pi­nalad na naiuwi ang P2,801,051.40 dibidendo mu­la sa lumabas na kombinasyon na 13-(9,10)-5-4-7-9-6.

vuukle comment

CARMONA

CAVITE

MANILA JOCKEY CLUB INC

ROCK STAR

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHY

SILVER GROOM

WINNER TAKE ALL

WITNESS IN MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with