^

PM Sports

Mas asintado si Manny

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaaring kaunti lang ang pinakawalang suntok ni Manny Pacquiao kumpara kay Timothy Bradley ngunit mas asintado siya.

Naging accurate si Pacquiao sa kanyang mga suntok para talunin sa puntos si Bradley at mabawi ang kanyang WBO welterweight title sa MGM Grand sa Las Vegas noong Sabado ng gabi, (Linggo sa Manila).

Kumonekta si Pacquiao ng 198 sa kabuuang 563 suntok na kanyang pinakawalan.

Si Bradley ay nakapagpatama lamang ng 141 suntok sa 627 na pinakawalan niya.

Ayon sa Compubox na nagbilang ng mga suntok na pinakawalan sa laban, si Pacquiao ay 35 percent accurate kumpara kay  Bradley na 22 percent lamang.

Ang fighting congressman ay lamang din kay  Bradley sa power punch department kung saan 148 ang tumama sa kanyang 344 power blows para sa  43 percent. Si Bradley naman ay may 109 lamang na naikonekta sa kanyang 340 power punches.

Panalo rin si Pacquiao sa mga judges kung saan dalawa sa kanila ang nag-iskor ng laban sa parehong 116-112 pabor sa kanya habang lamang na lamang naman siya sa isang judge na nakita ang laban sa 118-110.

 

vuukle comment

AYON

BRADLEY

COMPUBOX

KUMONEKTA

LAMANG

LAS VEGAS

PACQUIAO

SI BRADLEY

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with