^

PM Sports

Patuloy sa pagdausdos ang Pacers sa Yahoo NBA power rankings

Pang-masa

1. San Antonio Spurs (60-17; ranking nila last week: 1):  Iniwan ni Tony Parker ang Memphis sa kanilang laro noong Sabado dahil sa back spasms. Nag-miss siya ng 10 games ngayong season dahil sa pananakit ng kanyang likod.

2. Oklahoma City Thunder (55-21; ranking nila last week: 2): Ang Thunder ay may two-game lead sa Clippers  sa loss column – para sa  No. 2 playoff seed ng West. Bibisitahin nila ang Clippers sa Miyerkules.

3. Los Angeles Clippers (55-23; ranking nila last week: 3): Hawak ng Clippers ang 2-1 lead sa kanilang season series kontra sa Thunder. Ang Clippers ay 32-6 ngayong season sa Staples Center.

4. Miami Heat (53-23; ranking nila last week: 4): Haharapin ng Miami ang Indiana sa Biyernes sa larong makakatulong para madermina kung sino ang magiging top seed sa East. Ang Indiana ay may 2-1 season series lead.

5. Houston Rockets (51-25; ranking nila last week: 5): Tila malalagay ang Rockets sa fourth seed ng West. Ang natitirang laro ng Houston laban sa isang playoff team  ay kontra sa Spurs.

6. Portland Trail Blazers (50-28; ranking nila last week: 7): Ang fifth seed sa West na Blazers ay magho-host sa sixth-seed na Golden State sa Linggo. Lamang ang Warriors sa season series sa 2-1.

7. Golden State Warriors (48-29; ranking nila last week: 8): Hindi alam kung kailan makakabalik si David Lee dahil sa nerve irritation sa kanyang right hamstring.

8. Indiana Pacers (53-25; ranking nila last week: 6): Lalong dumausdos ang  Pacers matapos lumasap ng 19-point home loss laban sa Atlanta. Ang Pacers  ay talo ng pito sa kanilang huling 10-laro.

9. Dallas Mavericks (47-31; ranking nila last week: 11): Nanalo ang Mavericks ng apat na sunod at may 1 ½ games ang layo sa  nauunang Warriors para sa sixth seed ng West.

10. Phoenix Suns (46-31; ranking nila last week: 9): Kasalukuyang hawak ng Suns ang eigth seed sa West at may 1-game na kalamangan sa Memphis matapos ang kanilang malaking tagumpay kontra sa Thunder noong Linggo.

vuukle comment

ANG CLIPPERS

ANG INDIANA

ANG PACERS

ANG THUNDER

DALLAS MAVERICKS

DAVID LEE

LAST

NILA

RANKING

WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with