^

PM Sports

Ginebra vs Meralco labanan ng mga bagong import

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa hangaring mapa-lakas ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2014 PBA Commissioner’s Cup ay kumuha ng bagong import ang Barangay Ginebra.

Ipaparada ng Gin Kings si Josh Powell sa kanilang pagsagupa sa Meralco Bolts ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng nagdedepensang Alaska Aces at Barako Bull Energy Cola sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 6-foot-9 na si Powell, pumalit kay Leon Rodgers, ay isang NBA veteran na miyembro ng Los Angeles Lakers squad na hinirang na back-to-back champions noong 2009 at 2010.

Nakita rin si Powell sa mga koponan ng Dallas, Indiana, Golden State, LA Clippers at Atlanta bago naglaro sa NBA D-League, Russia, Italy, Greece, Puerto Rico at China.

Sa Chinese League ay naglista ang 33-anyos na si Powell para sa Guangdong Southern Tigers ng mga averages na 15 points, 9.9 boards at 1.6 assists per game.

Ang 6’8 namang si Rodgers ay nagtala ng mga averages na 30.3 points at 10.2 rebounds sa anim na laro para sa 2-4 record ng Gin Kings na nasa isang two-game losing skid.

Itatampok naman ng Meralco ang bagong reinforcement na si 6’9 Darnell Jackson, pinalitan si 6’10 Brian Butch, sa kanilang pagharap sa Ginebra.

“He’s massive, big, and has a totally different game (from Butch),” paglalarawan ni Bolts’ coach Ryan Gregorio kay Jackson “He has a very nice resume, but I still don’t know the kind of chemistry he will bring to the table.”

Ang 28-anyos na si Jackson ay nanggaling sa paglalaro para sa Shanghai Sharks sa Chinese league matapos kumampanya sa NBA para sa Cleveland, Milwaukee at Sacramento. (RCadayona)

vuukle comment

ALASKA ACES

BARAKO BULL ENERGY COLA

BARANGAY GINEBRA

BRIAN BUTCH

DARNELL JACKSON

GIN KINGS

GOLDEN STATE

GUANGDONG SOUTHERN TIGERS

POWELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with