^

PM Sports

2nd Horse Racing Cup ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang kabayo ang magsusukatan sa 1,200-metro distansya para kilala­ning kampeon sa 2014 Philracom Spon­­sored Charity Special Race sa pag­­­tatapos ng karera ngayong gabi sa Met­ro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang mga nagpatala sa karerang ki­ki­lalanin din bilang 2nd Horse Racing Cup ay ang Mahiwaga (MA Alvarez), Birthday Gift (JB Cordova), Boundary (JL Paano), Freaky (RC Tanagon) at Satin Lace (EP Nahilat).

Wala pang malaking panalo na nai­tala ang mga nabanggit na kabayo ka­ya't inaasahang ikokondisyon ang mga ito ng kani-kanilang handlers para do­mi­­na­hin ang karera.

Suportado ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) at sinahugan ng P180,000.00 gantimpala.

Samantala, humatak ng hindi inaasahang panalo ang kabayong Nobody But You sa pagdadala ni JF Paroginog sa pista noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ito ang unang sakay ng nasabing hi­nete sa kabayo sa taong ito para di ma­paboran kahit tumapos sa pang-apat na pu­westo noong Enero 31.

Mahusay ang diskarteng ipinakita ni Pa­roginog dahil nakabangon ito kahit na­bugaw sa alisan sa hanay ng 12 kabayo sa isang handicap race sa 1,200-metro.

Lamang na ang Kuya Yani sa huling 250 metro ng karera pero sa huling 50 me­t­ro ay bumulusok ang Nobody But You para sa isa't kalahating dipang pa­na­lo sa dehado ring Kuya Yani ni LT Cuad­ra Jr.

Nagpasok ng P54.00 ang win, habang na­sa P664.50 ang dibidendo sa 9-10 forecast at ang napaboran sa karera ay ang Yes Ma'am na hindi tumimbang sa pagdada­la ni JB Guce.

 

vuukle comment

BIRTHDAY GIFT

CHARITY SPECIAL RACE

HORSE RACING CUP

KUYA YANI

NOBODY BUT YOU

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM SPON

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with