^

PM Sports

Di pa alam kung kailan babalik si Bryant

Pang-masa

CHICAGO – Nakakapagbisikleta na si Kobe Bryant pero ito pa lamang talaga ang kanyang nagagawa sa ngayon kaya hindi muna niya iniisip kung kailan siya makakalaro uli para sa Los Angeles Lakers.



Nabalian si Bryant ng buto sa kaliwang tuhod noong Dec. 17 sa Memphis sa kanyang paglalaro ng ikaapat niyang game sa loob ng 5 gabi at maaaring matetengga ito ng hanggang anim na linggo.

Ikaanim na game pa lamang ang naturang laro ni Bryant ngayong season matapos ‘di makalaro sa simula ng season dahil nagrerekober pa ito mula sa kanyang  napunit na kaliwang Achilles tendon.



Dahil sa magkasunod na injury na ito, maraming nagtatanong kung makakabalik pa sa dating porma ang 35-gulang na si Bryant.  Ngunit sinabi ni Bryant na walang dudang makakapaglaro pa rin siya tulad ng dati.

‘“There was before I came back the first time because I didn’t know how my Achilles was going to respond to playing and changing directions,’’ pahayag ni Bryant bago labanan ng Lakers ang Bulls sa Chicago. “The game in Memphis I had a pretty good feel for it, getting back to being able to do what I normally could do. I feel confident about it. I did play that second half on a fractured leg and played pretty well. I feel pretty good about my chances.’’

vuukle comment

BRYANT

DAHIL

IKAANIM

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MEMPHIS I

NABALIAN

NAKAKAPAGBISIKLETA

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with