^

PM Sports

May hahabol kayang milyunaryo sa 6/55 Grand lotto?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mayroon kayang makahabol na maging mega-millionaire sa larangan ng Grand Lotto bago matapos ang taong 2013?

Masasagot ang katanungang ito matapos gawin ang 6/55 lotto draw ngayong gabi.

Tiyak na mahabang pila ang lahat ng mga lotto outlets sa buong bansa dahil sa laki ng premyong posibleng maiuwi ng mananaya na makakakuha ng anim na numerong lalabas sa bolahan.

Masasabing mababa ang P78 milyon na pag-lalabanan sa gabing ito dahil walang nakasapul sa jackpot prize na nasa P75,201,916.00 nang lumabas ang mga nu-merong 9-15-35-36-39-42 noong Sabado.

Isang buwan at kalahati na ang binilang nang huling nasapul ang jackpot prize sa Grand Lotto.

Isang masuwerteng tumatangkilik sa draw ang pinalad na maiuwi ang P30 milyon premyo sa draw na ginawa noon pang Nobyembre 16  at ang lumabas na mga numero ay 7-17-27-35-47-53.

Isasagawa rin sa gabing ito ang draw sa 6/42 at inaasahang papasok sa pitong milyon ang jackpot prize na paglalabanan dito.

Wala rin nakakuha sa kumbinasyong 3-11-16-31-34-41 para makalusot ang jackpot prize na pinaglabanan na P6,334,552.00.

May maiuuwi hanggang P200,000.00 sa 6/55 at P25,000.00 sa 6/42 sa mga mananaya na makakakuha sa limang numero habang P3,000.00 at P1,000.00 ang makakamit ng mga tatama sa apat na numero.

May posibilidad naman na may naging mil-yonaryo kagabi sa idinaos na 6/49 Super Lotto na kung saan inaasahang papalo na sa mahigit P26 milyon ang premyo,

Huling isinagawa ang Super Lotto ay noong Disyembre 26 at walang nakahula sa mga lumabas na numero.

 

vuukle comment

DISYEMBRE

GRAND LOTTO

HULING

ISANG

ISASAGAWA

LOTTO

MASASABING

MASASAGOT

MAYROON

SUPER LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with