^

PM Sports

Ramirez hindi sumuko

Pang-masa

NAY PYI TAW – Anim na taon ang ipi­naghintay ni Gilbert Ra­mirez para makabalik sa ibabaw sa kanyang event sa judo.

“Hindi din ako makapaniwala. Pati ako nagulat na kaya ko pa pala,” ani Ramirez isang araw matapos angkinin ang gold me­dal sa men's -73-kilogram ng ju­do competition sa 27th Southeast Asian Games.

“Pinilit ko talagang ma­nalo para sa judo. Kai­la­ngan namin ang mga ga­nitong panalo para mabuhay ulit ang sport. Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko para makuha ang ginto,” dagdag pa nito.

Matapos dominahin ang kanyang event noong 2003 sa Hanoi at noong 2005 sa Manila SEA Games, ang 30-anyos na si Ramirez ang naging po­­tensyal na papalit kay le­gendary judoka John Baylon.

Ngunit nagkaroon siya ng injury sa kanang tuhod ilang araw bago ang 2007 SEA Games sa Thailand kasunod ang kabiguan ni­ya noong 2009 sa Laos at noong 2011 sa Indonesia SEA Games.

Akala niya ay katapusan na ng kanyang judo ca­reer.

Nagtiyaga si Ramirez, isang airman first class sa Philippine Army, para makabalik sa dati niyang por­ma.

Sumama siya sa trai­ning camp sa Japan dalawang buwan bago ang bien­nial meet.

“Akala ko talaga tapos na ako,” ani Ramirez. “Ka­ya nagsipag talaga ako sa ensayo namin.”

vuukle comment

GILBERT RA

JOHN BAYLON

KAYA

MATAPOS

NAGTIYAGA

PHILIPPINE ARMY

RAMIREZ

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with