^

PM Sports

La Salle nagparamdam agad sa GVIL

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas agad ang De La Salle-Lipa nang pagulungin nila ang bagu­hang Bethel Academy, 18-25, 25-23, 25-20 at manguna sa Pool A sa simula ng 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) na nilaro sa Adamson University Gym main court, kahapon.

Lumabas ang bangis ng De La Salle-Lipa nang masugatan sila sa unang set sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports at Robinsons Malls.   

Naging mabalasik ang Green Stallions sa second at third sets kaya nakuha nila pareho ang panalo at ilista ang 1-0 karta, sina Vida Caringal, Raizah Mamailao at Althea Sumague ang naging armas nila sa opensa.

Nirehistro nina Cari­ngal at Mamailao ang tig- 13 points upang pangunahan ang opensa para sa De La Salle-Lipa.

Samantala, bumandera agad sa Pool D ang A­damson University ma­tapos pagpagin ang UP Integrated School, 25-13, 25-14.

Kinapitan ng Lady Baby Falcons si Samantha Cantada na nilista ang pitong puntos habang si UAAP Season 86 MVP Shaina Nitura ay bumakas ng six markers.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with