^

PM Sports

Trollano PBAPC PoW

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinikwat ni Don Trollano ang PBA Press Corps-Pilipinas Player of the Week award habang abangers muna ang San Miguel Beer sa finals ng 2024 PBA Philippine Cup.

Kumamada ng 20.0 puntos sa 62-percent field goal sahog pa ang 9.5 rebounds at 2.0 assists si Trollano sa dalawang laban ng Beermen noong nakaraang linggo upang makakumpleto sila ng sweep sa best-of-seven semifinals kontra sa Rain or Shine.

Tumipa ng 20 puntos, 11 rebounds at 4 assists si Trollano sa Game 3 upang punan si 7-time PBA MVP June Mar Fajardo na nagkasya lang sa 11 puntos at 11 rebounds.

Wagi ang SMB sa na­­turang laro, 117-107, upang makapagtayo ng higanteng 3-0 abante.

Parehong output ang pinakawalan ni Trollano sa sumunod na laro tampok ang 13 puntos sa 32-13 bomba ng Beermen upang makumpleto ang 107-100 comeback win sa Game 4.

Pahinga muna ang SMB ngayon habang hinihintay ang mananalo sa isa pang bracket tampok ang Ginebra at Meralco.

Abante ang Gin Kings sa serye, 3-2, at umaasam na maitakda na ang title showdown sa sibling rival na Beermen sa krusyal na Game 6 as of press time.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with