^

PM Sports

Vietnam balik-finals sa AVC Challenge Cup

Russell Cadayona - Pang-masa
Vietnam balik-finals sa AVC Challenge Cup
Tinapik papasok ni Alas Pilipinas ace Angel Canino ang bola laban sa depensa ng Kazakhstan.

MANILA, Philippines — Swak ang nagdedepensang Vietnam sa finals ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women matapos gibain ang Australia, 25-21, 25-19, 25-16, sa semifinals kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pumalo si Nguyen Thi Bich Tuyen ng 24 points mula sa 21 attacks at tatlong service aces habang may 13 markers si Tran Tu Linh para sa mga Vietnamese.

“The first set Vietnam had a slow start and took a while to get to the swing of things but for then on, we’re fortunate to get a win in the match,” ani Tuyen sa pamamagitan ng isang translator.

Pinamunuan ni Caitlin Tipping ang mga Aussies sa kanyang 20 points kasunod ang anim na marka ni Kara Inskip.

Samantala, tinalo ng Iran ang Hong Kong, 26-24, 26-24, 19-25, 25-19, sa classification phase para puntiryahin ang fifth place.

Nagpasabog si opposite hitter Aytak Samatgharamaleki ng 26 points kasama ang 24 attacks at may tig-14 markers sina Reyhane Karimi at Hassankhani Shagyahegh.

Nag-ambag si Zahra Hedieh ng 12 points para sa Iran na tinapos ang kampanya sa Pool A bitbit ang 1-3 marka sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF).

Pinatumba ng India ang Indonesia, 25-16, 30-32, 25-20, 27-25, sa likod ng 21 points ni Kambrath Anusree.

Samantala, tinalo ng mas matatangkad na Kazakhstan ang Alas Pilipinas, 25-23, 25-21, 25-14, sa isa pang semis game.

Sa ninth match, winalis ng Chinese Taipei ang Singapore, 27-25, 25-10, 25-10.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL VOLLEYBALL FE­DERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with