^

PM Sports

Lemon Bell kinalembang ang Group race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasikwat ng panalo ang Lemon Bell sa PHILRACOM Group Based On Time (16) Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Martes ng gabi.

Humarurot sa unahan ang Lemon Bell habang sinundan agad ito ng Make A Difference at Petron nasa malayong kulelat naman ang Sinag.

Sa kalagitnaan ng karera ay nakakapit ang Make A Difference at Petron sa Lemon Bell pero hindi nagpatinag sa unahan ang winning horse.

Papunta ng far turn ay ang Make A Difference na lamang ang bumubuliglig sa Lemon Bell habang nauupos sa tersero ang Petron.

Subalit sa huling kurbada ay umungos na ng todo ang Lemon Bell sa Make A Difference at hindi na ito pinaporma sa rektahan.

Sinakyan ni jockey Jerico Serrano, tinawid ng Lemon Bell ang meta ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang Make A Difference.

Nilista ng Lemon Bell ang tiyempong 1:27.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P5,000 added prize habang P3,000 ang kinubra ng breeder ng nanalong kabayo.

Dumating na pangatlo ang Sinag at pang-apat ang Petron sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with