^

PM Sports

Letran asam ang ‘twice-to-beat’

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagsusumikapan nga­yon ng Letran College na tapusin na ang labanan pa­ra sa unang dalawang pu­westo at ang mahala­gang ‘twice-to-beat’ ad­van­­tage sa pag­harap muli sa Perpe­tual Help sa 89th NCAA men’s basketball tour­nament sa The Arena sa San  Juan City.

Ang laro ng Knights at Altas ay itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon at na­ka­taya para sa Letran ang ika-13 panalo sa 16 laro para makatabla ang na­ngu­ngunang San Beda sa unang puwesto.

Kung mangyayari ito, ang Red Lions at ang Knights ang siyang kukuha sa ‘twice-to-beat’ advantage dahil hindi na aabot sa 13 panalo ang Al­­tas.

Ang PBA-bound na si 6-foot-7 Raymund Al­­mazan at si Mark Cruz ang siyang magdadala sa la­­ban ng tropa ni coach Caloy Garcia para mai­paghiganti rin ang 66-80 pag­kakadurog sa  Perpe­tual sa unang ikutan.

Kailangan naman ng ko­ponan ni coach Aric Del Rosario na manumbalik ang dating tikas upang pi­gilan ang paglasap ng ikat­long sunod na kabigu­an.

Pasok na sa Final Four, nalagay sa alanga­nin ang paghahabol sa unang dalawang puwesto ng Altas nang lumasap ng magkasunod na pagkatalo sa kamay ng San Beda, 76-78, at sa Lyceum, 61-84.

Dapat na lumabas mu­li ang init ng paglalaro nina Nosa Omorogbe, Ju­neric Baloria at Harold Arboleda para sa Altas na kailangang manalo sa hu­ling dalawang laro para mag­karoon ng tsansa sa play­off para sa insentibo.

Magkukrus naman ang landas ng Lyceum at St. Benilde sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.

Ang laban ng Pirates at ng Blazers ay isang ‘no-bea­ring’ game na dahil pa­rehong talsik na sa liga ang dalawa mula sa magkatulad nilang 5-10 baraha.

vuukle comment

ALTAS

ARIC DEL ROSARIO

CALOY GARCIA

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

JUAN CITY

LETRAN COLLEGE

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with