^

PM Sports

San Beda hangad solohin ang liderato

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Solohin ang liderato ang nais ng San Beda habang kumapit pa sa ikaapat na puwesto ang hanap ng San Sebastian sa pagpapa-tuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ika-10 panalo matapos ang 12 laro ang masusungkit ng Red Lions kung padadapain ang inspiradong Emilio Aguinaldo College sa kanilang tagisan na magsisimula matapos ang pagkikita ng Stags at Mapua sa ganap na  ika-4 ng hapon.

Solo sa ngayon ang Stags sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 6-5 baraha at gagawin ng tropa ni coach Topex Robinson na manatili sa puwesto sa paggapi sa Cardinals na siyang nangungulelat sa 1-10 baraha.

May dalawang sunod na panalo, isa sa magpapainit pa sa Stags ay ang tinamong 99-104 kabiguan sa Cardinals sa unang pagkikita.

Dinurog ng Lions ang Generals sa unang paghaharap, 80-65 pero dapat maghanda ang koponan sa mas magandang ipakikita ng tropa ni  coach Gerry Esplana.

Apat sa huling limang laro ang naipanalo ng EAC at sila ay galing sa 70-68 panalo sa Perpetual Help noong Setyembre 7.

Isasandal ng Gene-rals ang laban kina Noube Happi, Jan Jamon, Elyzar Paguia, Igee King at John Tayongtong habang sina Olaide Adeogun, Baser Amer, Rome dela Rosa, Arthur Dela Cruz at Anthony Semerad ang aasahan ng Lions para iwanan ang kasalo sa unang puwesto na Letran.

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

ARTHUR DELA CRUZ

BASER AMER

ELYZAR PAGUIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GERRY ESPLANA

IGEE KING

JAN JAMON

JOHN TAYONGTONG

NOUBE HAPPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with