^

PM Sports

SBC iniwanan ang JRU

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Maagang nagtrabaho ang San Beda upang iwan agad ang Jose Rizal University para sa 68-54 tagumpay at makasalo uli sa Letran sa liderato sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing puwersa uli ang 6’8” Nigerian center Ola Adeogun sa kanyang 20 puntos, 10 rebounds at 2 blocks habang si Baser Amer na naglaro kahit may sinat, ay naghatid ng 15 at 11 pa ang ibinigay ni Rome dela Rosa tungo sa paghablot ng Lions ng 9-2 baraha.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng San Beda sa Heavy Bombers matapos ang 65-41 tagumpay sa first round ngunit pakonsuwelo sa  tropa ni coach Vergel Meneses ay ang ginawang pagsisikap na makabangon pa sa laro  kahit inabot ng 20 puntos, 50-30 ang iniagwat ng 3-time defending champions.

Si Balagtas at Paniamogan ay nagsanib sa 30 puntos para sa JRU na bumaba sa 5-6 karta at nakasalo ang  mga pahingang St. Benilde at Emilio Aguinaldo College sa ikalimang puwesto.

Samantala, lumawig sa 11 sunod ang pagpapanalo ng San Beda Red Cubs sa 94-74 tagumpay sa Light Bombers sa juniors division.

Nakadikit pa rin ang San Sebastian Staglets nang kunin ang ika-sampung panalo sa 11 laro sa Arellano Braves, 96-73, sa isa pang laro.

 

 

vuukle comment

ARELLANO BRAVES

BASER AMER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LIGHT BOMBERS

OLA ADEOGUN

SAN BEDA

SAN BEDA RED CUBS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with