^

PM Sports

Ariza sibak na sa Team Pacquiao

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mismong si Manny Pacquiao ang nagkumpirmang wala na sa kanyang grupo si strength and conditioning coach Alex Ariza.

Sa isang panayam sa ESPN Sports Nation, sinabi ni Pacquiao na sinibak na ni chief trainer Freddie Roach si Ariza na kasalukuyang nasa Mexico sa tropa ni Julio Cesar Chavez, Jr.

“Three months prior to fight. Freddie fired Alex,” wika ni Pacquiao.

Wala pang pahayag si Roach kung sino ang ipapalit niya kay Ariza.

Matatandaang iniwan ni Ariza si Pacquiao sa gitna ng paghahanda nito sa laban kontra kay Timothy Bradley, Jr. sa Baguio City noong Abril ng nakaraang taon.

Nang umuwi si Ariza sa United States ay kinuha ng Team Pacquiao si Filipino strength and conditioning coach Marvin Somodio.

Samantala, sinabi ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na napanood niya ng live nang mapatulog ni Juan Manuel Marquez si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Hindi makapaniwala si Rios na mapapabagsak ni Marquez si Pacquiao ng basta-basta lamang.

“I was shocked,” sambit kahapon ng 27-anyos na si Rios sa idinaos na press conference para sa kanilang promotional tour ng 34-anyos na si Pacquiao sa Jing Fong Restaurant sa Chinatown sa Manhattan. “Prior to that knockout he was winning the fight. I was like, “Wow!”

Ngunit hindi iniisip ni Rios na ang bumagsak na Pacquiao ang kanyang makakasagupa sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

“I have to think that I’m going to see the same Manny Pacquiao that was so dominant for all those years,” sabi ni Rios. “That’s the way that I will be training.”

Huling umiskor ng knockout win si Pacquiao noong 2009 nang patumbahin niya si dating World Boxing Organization welterweight titlist Miguel Cotto ng Puerto Rico sa 12th round.

Sa kanyang pagharap kay Rios, gustong patunayan ni Pacquiao na kaya pa rin niyang manalo sa pamamagitan ng knockout.”I want to prove in the boxing ring that my career is not over,” ani Pacquiao.

vuukle comment

ALEX ARIZA

ARIZA

BAGUIO CITY

BAM BAM

FREDDIE ROACH

JING FONG RESTAURANT

JUAN MANUEL MARQUEZ

JULIO CESAR CHAVEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with