^

PM Sports

Prize Dancer paborito sa Juvenile Fillies Stakes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itatak ang pangalan bilang unang filly na nanalo sa 2013 Philracom Juvenile Fillies Stakes race ang balak gawin ng apat na kabayong maglalaban-laban sa tampok na karera ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang Prize Dancer na sakay ni Jeff Zarate ang ma­ngu­nguna sa mga maglalaban matapos manalo ang tam­balan noong Hulyo 12 sa Santa Ana Park sa karerang inilagay sa 1,200 metro distansya.

Sa mas maigsing 1,000 meter distance gagawin ang tagisan na unang leg ng stakes na handog ng Phi­lip­pine Racing Commission (Philracom).

Ang iba pang kasali ay ang Marinx na gagabayan ni Jessie Guce, Siling Pula na hawak ni Jonathan Hernandez at Coral Princess na sasakyan ni Pat Dilema.

Ang Siling Pula ay pumanglima sa karerang pinag­wa­gian ng Prize Dancer pero si John Cordero pa ang dumiskarte sa kabayong pag-aari ni Hermie Esguerra.

Inaasahang palaban din ang Marinx na gumawa ng 1:01 sa distansya na siyang pinakamabilis sa apat na magsusukatan habang ang Coral Princess ay tiyak na hin­di pahuhuli kung pagpuntirya sa panalo ang pag-uusapan.

May P600,000.00 gantimpala ang isinahog sa ka­rerang inilagay bilang race three sa 13 nakahanay at ang mananalo ay magkakamit ng P300,000.00.

Ang papangalawa ay may pabuyang P112,500.00, habang P62,500.00 at P25,000.00 ang mapu­pun­ta sa pa­pangatlo at pa­pang-apat sa datingan.

Wala namang karera pa­ra sa Juvenile Colts da­hil sa kakulangan ng en­tries.

Magkakaroon ng apat na legs ang karera para sa mga kabayong edad da­lawang taong gulang na kung saan inaasahang mag­mumula ang mga pan­laban para sa 2014 Tri­ple Crown Championship.

Ang second leg ay iti­nakda sa Agosto 25 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas, ang third leg ay sa Setyembre 29 sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club, habang ang huling leg ay sa Ok­tubre 20 sa San Lazaro.

Naglagay din ang Philracom ng karagdagang P10,000.00 premyo para sa mananalo sa 3YO & 4YO Maiden Race  na pag­lalabanan sa race se­ven sa 1,200 meter distance.

Ang Smooth Runway ang natatanging four-year old horse na tatakbo katapat ang Frontier Boy, Star Trick, Boss Kris, Tabitha at Aison Me na mga tatlong taong gulang.

 

vuukle comment

AISON ME

ANG PRIZE DANCER

ANG SILING PULA

ANG SMOOTH RUNWAY

BOSS KRIS

CORAL PRINCESS

CROWN CHAMPIONSHIP

FRONTIER BOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with