^

PM Sports

Seni Seviyorum nakatikim

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang takbo sa buwan ng Hulyo nakatikim ng panalo ang Seni Seviyorum nang dominahin ang race 7 sa pagsisimula ng anim na araw na karera sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Martes ng gabi.

Si IA Aguila ang hinete pa rin ng kabayo na namumuro na para manalo matapos tumimbang sa huling tatlong karerang nilahukan.

Inilagay ang karera sa NHG Handicap 5 at pinag-labanan sa 1,200-meters at ang Lakewood na hawak ni Jessie Guce at tumakbo kasama ang coupled entry na Swing Vote ang napaboran.

Ngunit pangatlong puwesto lamang ang inabot ng Lakewood na pinakamababang puwes-tong kinalagyan matapos ang dalawang segundo at panalo sa huling tatlong karerang nilahukan.

Ang Magdapio na hawak ni Fernando Raquel Jr. ang pumangalawa sa datingan para magkaroon ng selebrasyon ang mga dehado sa karerang namayagpag ang mga liyamadong kalahok.

Nagpamahagi ng P33.50 ang win ng Seni Seviyorum habang pumalo sa P104.00 ang 6-3 forecast.

Magpapatuloy ang karera ngayong gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa inilatag na siyam na races.

vuukle comment

AGUILA

ANG MAGDAPIO

BATANGAS

FERNANDO RAQUEL JR.

JESSIE GUCE

LAKEWOOD

METRO TURF CLUB

SANTA ANA PARK

SENI SEVIYORUM

SWING VOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with