^

PM Sports

SMBeermen nakalusot sa Dragons sa tatlong overtime

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipamalas ng San Miguel Beer ang ma­­sidhing hangarin na manalo nang ma­­naig sa Westports Malaysia Dragons, 107-104, sa larong umabot sa tatlong over­­time noong Biyernes sa ASEAN Bas­­ketball League (ABL) na ginawa sa MA­BA Gym sa Malaysia.

Pinaluha ni Leo Avenido ang mga pa­­natiko ng Dragons nang siya ang nag­sil­bing tinik sa hinangad na panalo ng home team upang wakasan ng Beermen ang kampanya sa eliminasyon bitbit ang 16-sunod na panalo at 19-3 baraha sa ka­bu­uan.

Tumapos na bitbit ang 22 puntos, si Ave­­­nido ang bumasag sa huling tabla sa 104-104 nang maipasok ang mahirap na floater laban sa depensa ni Julius Armon.

Bago ito, ang MVP noong nakaraang taon na si Avenido ang nagpatabla sa re­gulation, 79-all, sa isang lay-up ba­go mu­ling pinantayan ang iskor ng Dra­gons sa 88-all sa krusyal na tres sa unang overtime.

May 22 puntos at 23 rebounds si Brian Williams, habang si Paolo Hu­balde ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Beermen na tila handang-handa na pa­ra sa best-of-five semifinals series laban sa No. 4 team na Sports Rev Thailand Slam­mers.

“U make us proud. 16 straight wins is special in any ‘language’. Last win is proof of ur unbreakable character,” tweet ni SMC sports director Noli Eala.

Kasabay nito ay ipinaalala rin ni Eala na hindi pa dapat makuntento ang kopo­nan dahil hindi pa tapos ang kanilang mis­yon.

May 28 puntos at 14 rebounds si Ga­­vin Edwards, habang 27 ang hatid ni Ar­­mon para sa Dragons na wawakasan ang laro sa elims ngayon laban sa Saigon Heat.

Nais ng Dragons na manalo sa la­rong ito para pataasin pa ang kanilang mo­rale sa pagharap sa nagdedepensang In­­donesia Warriors sa semifinal round ng torneo.

 

vuukle comment

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

JULIUS ARMON

LEO AVENIDO

NOLI EALA

PAOLO HU

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with