^

PM Sports

Sharpshooter nasa target

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kondisyon na Sharpshooter ang humarap sa limang nakatungga­li sa karera para sa mga edad tatlong taong gulang na kabayo na nangyari no­ong Biyernes ng gabi sa Met­ro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si Jonathan Hernandez ang gumabay sa ka­bayo na hindi gaanong na­paboran kahit nanalo ito noong Abril 20 dahil sa bigating katunggali sa pangunguna ng Alta’s Fi­nest at Divine Eagle na pinatawan ng mabibigat na handicap weights na 57 kilos at 55 kilos, ayon sa pagkakasunod.

Nagkabanggaan pa ang Sharpshooter at ang Keep The Pledge sa pag­bubu­kas ng aparato pero hin­di ito na­kaapekto sa tak­bo ng na­nalong kabayo da­hil agad na naigiya ni Her­nan­dez ang sakay para ku­nin na ang liderato.

Mula rito ay hindi na nag­karoon ng pagkakata­on ang ibang kasali na ma­agaw pa ang kalama­ngan patungo sa bande­rang-tapos.

Ang Divine Eagle na noong Abril 6 sa race track na pag-aari ng Metro Manila Turf Club ay na­nalo sa Hot And Spicy ang paghabol sa Sharpshooter.

Pero ang halos dalawang dipang layo ng ka­tung­gali ay sobra na para ma­abutan pa upang malagay sa ikalawang puwesto ang Divine Eagle na kapos ng kalahating katawan.

 

vuukle comment

ABRIL

ANG DIVINE EAGLE

DIVINE EAGLE

HOT AND SPICY

KEEP THE PLEDGE

METRO MANILA TURF CLUB

SHY

SI JONATHAN HERNANDEZ

TURF CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with