George, Tatum inakay Celtics vs Bucks
MILWAUKEE — Bumanat si Paul George ng 27 points, habang may 21 markers si Jayson Tatum para banderahan ang Boston Celtics sa 117-97 paggupo sa Bucks.
Nauna nang tinalo ng Boston (8-2) ang Sacramento (1-9), 109-102, noong Martes kung saan hindi pinaglaro si Tatum.
Kumamada si Kyle Kuzma ng 27 points para sa Bucks na kaagad kinuha ang 20-6 kalamangan sa first period bago binanderahan nina Tatum at George ang isang 18-0 atake ng Celtics para agawin ang 58-45 halftime lead.
Iniskor ng Boston ang unang siyam na puntos sa third quarter patungo sa pagtatayo ng isang 22-point lead na hindi na napababa ng Milwaukee sa final canto.
Sa iba pang laro, sinunog ng Miami Heat ang Sacramento Kings, 114-108; wagi ang Philadelphia 76ers sa Chicago Bulls, 127-121; tinalo ng Los Angeles Lakers ang Detroit Pistons, 121-116; panalo ang Minnesota Timberwolves sa Utah Jazz, 115-100; at dinaig ng Dallas Mavericks ang Brooklyn Nets, 130-93.
- Latest
















