^

PM Sports

Security sa Blue Eagle Gym pagbabayarin ng Blackwater

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang security agency sa Ateneo ang siyang pa­pa­nagutin ng Blackwater Sports kaugnay sa naganap na pagnanakaw sa ka­nilang dugout sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City habang nag­lalaro sa PBA D-League no­ong Martes.

Nauna nang naglabas ng kanyang pahayag si PBA Commissioner Chi­to Salud kung saan pag­babayarin niya ang se­curity agency sa halos P60,000 na ninakaw sa mga Elite players.

Tinalo ng Blackwater ang EA Regen Medical Group, 71-67.

Bagama’t nanalo, na­walan naman ng mga pera at mobile gadgets ang 10 players ng Elite.

Kasama sa Blackwater ang mga dating Blue Eagles na sina Bacon Austria at Justin Chua.

Wala pang nata­tanggap na sagot ang Black­wa­ter mula sa Ate­neo at maging sa security officials kung paano na­ka­pasok ang mga magna­nakaw sa dugout.

Muling maglalaro ang Elite sa Blue Eagle Gym sa Lunes sa kanilang pag­­sagupa sa four-time cham­pion na NLEX Road Warriors.

 

vuukle comment

BACON AUSTRIA

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

BLUE EAGLES

COMMISSIONER CHI

JUSTIN CHUA

QUEZON CITY

REGEN MEDICAL GROUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with