^

PM Sports

Mrs. Teapot tumagay ng panalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumabig ng panalo ang Mrs. Teapot sa unang k­arera na pinaglabanan noong Martes ng gabi sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Outstanding favorite ang kabayong sakay ni Jonathan Bacaycay sa karerang nilahukan ng 11 kabayo na nagtagisan sa 1,400 metrong distansya na 3YO-Above Maiden B-C division.

Mataas ang ekspektasyon sa tambalan dahil tumapos ang Mrs. Teapot sa ikatlong puwesto sa A.P. Reyes Stakes race sa hanay ng mga fillies.

Hindi naman nagpabaya si Bacaycay nang ipalabas ang itinatagong tikas ng pagtakbo ng kabayo sa back stretch at sa huling 400-m ng karera ay bumabandera.

Ang third choice at naunang lumayo na Don Andres ay nagsikap na habulin ang Mrs. Teapot.

May lahing Reenact at Mrs. Rainer, ang panalo ay nag­pamahagi ng P5.50 sa win, habang ang 5-4 forecast ay may P18.00 dibidendo.

Kuminang din ang kabayong Charming Santi na pa­tok din na kabayo at nagdomina sa 2013 Summer Ra­cing Festival na nilahukan ng mga kabayong nasa class division 7 sa 1,300m distansya.

vuukle comment

ABOVE MAIDEN B-C

CHARMING SANTI

DON ANDRES

JONATHAN BACAYCAY

LEISURE PARK

MRS. RAINER

MRS. TEAPOT

REYES STAKES

SAN LA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with