^

PM Sports

Adamson vs NU ngayon sa Shakey’s V-League

Pang-masa

Laro Ngayon

The Arena- San Juan City

2 p.m. - UST vs  La Salle-Dasma

4 p.m. - NU vs Adamson

 

MANILA, Philippines - Maghaharap ang Adamson at National University ngayon sa importanteng Group B match-up habang sisikapin ng University of Santo Tomas na maka-bawi sa pagkatalo noong opening day sa pagharap sa La Salle-Dasmariñas sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 First Conference sa The Arena sa San Juan City.

Tinalo ng Lady Falcons at Bulldogs ang kanilang mga kalaban noong opening day noong nakaraang linggo kaya ang kanilang alas-4:00 ng hapong sagupaan ay labanan para sa  solo lead sa kanilang grupo sa two-group tournament na sponsored ng Shakey’s.

Kung inaasahang ang two-time champion na Adamson ay sasandal uli sa kanilang cham-pionship experience tulad sa kanilang panalo kontra sa   University of San Carlos-Cebu, 25-13, 25-22, 25-21, inaasahan namang ipapakita uli ng NU ang kanilang impresibong laro sa pangunguna ng magkapatid at middle hitters na sina Aleona at Jaja Santiago.

Ang Lady Bulldogs ay nakabangon mula sa se-cond-set meltdown upang igupo ang Arellano Lady Chiefs, 25-21, 25-19, 23-25, 25-20.

Samantala, mayroong  primer sa Shakey’s V-League na ipapalabas ngayong alas-9:00 ng umaga sa GMA News TV station Channel 11, ayon sa nag-organisang Sports Vision.

Ang regular telecasts ng Shakey’s V-Leaguy ay mula ala-una ng hapon at may  live streaming din sa www.v-league.ph.

 

vuukle comment

ADAMSON

ANG LADY BULLDOGS

ARELLANO LADY CHIEFS

FIRST CONFERENCE

GROUP B

JAJA SANTIAGO

LA SALLE-DASMA

SAN JUAN CITY

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with