Denver angat pa rin sa Clippers
MANILA, Philippines - Nagpamalas ng mainit na laro si Chris Paul upang ihatid ang LA Clippers sa tagumpay habang dumiretso naman ang Denver sa kanilang pang-15 sunod na panalo sa pagpapatuloy ng NBA nitong Sabado.
Umiskor ang All-Star guard na si Paul ng 17 sa kanyang 29-points sa fourth quarter bagama’t tumama ang kanyang tuhod sa kaagahan ng laro tungo sa 101-95 panalo ng Clippers kontra sa Brooklyn.
Sa kabila ng 101-95 panalo ng Denver kontra sa Sacramento Kings, hindi pa rin naitago ni coach George Karl ang pagkadismaya sa inilaro ng Denver.
“If we had a bunch of 30-year-olds I might have a different opinion but we have a bunch of 25-year-olds,’’ wika ni Karl.
Dinuplika ng Nuggets ang kanilang franchise record para sa magkakasunod na panalo na itinala ng Denver Rockets noong 1969-70 ABA season.
Naglista si Danilo Gallinari ng 19 points, habang may 17 si Kenneth Faried para sa Nuggets, nakamit ang kanilang ika-17 sunod na panalo sa kanilang homecourt.
Patuloy na nakakaangat ang Denver laban sa Memphis Grizzlies at Los Angeles Clippers para sa ikatlong puwesto sa Western Conference.
Nagtala si Paul ng 12-0f-13 free-throws at may 11 assists laban kay Deron Williams.
Nagdagdag si Willie Green ng 15 points, si DeAndre Jordan ay may 13 points at 12 rebounds at umiskor sina Blake Griffin ng 11 points para sa Clippers na umangat sa 28-8 sa homecourt.
- Latest

















