^

PM Sports

Si Tupas pa rin ang nangunang trainer

AT -

MANILA, Philippines -  Hindi nabigo si Ruben Tupas na pangunahan uli ang hanay ng mga trainers matapos ang taong 2012.

Malayong nanalo si Tupas sa hamon ni Dave dela Cruz nang kumabig ang beteranong trainer ng P3,562,087.30 premyo sa isang taong pagsasanay ng mahuhusay na pangarerang kabayo.

Umukit ng 144 panalo ang mga sinanay ni Tupas bukod pa sa 99 segundo, 100 tersero at 110 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nalagay sa solong ikalawang puwesto si Dela Cruz sa napanalunang P2,165,485.99 premyo gamit ang 113 panalo, 121 segundo, 127 tersero at 90 kuwarto puwes-tong pagtatapos.

Si Conrado Vicente ay nakaungos kay Rey Henson sa ikatlong puwesto bago sumunod si RR Yamco na nalagay sa ikalimang puwesto.

Halos P11,000.00 lang ang layo ni Vicente na ku-mabig ng P1,836,307.50 kumpara kay Henson na tumapos bitbit ang P1,825,527.85 premyo.

May 102 panalo si Vicente bukod pa sa 91 segundo, 99 tersero at 74 kuwarto puwestong pagtatapos  habang ang nakalaban ay mayroong 78 panalo, 93 segundo, 100 tersero at 82 kuwarto puwestong pagtatapos.

Si Yamco ay kumabig ng P1,762,148.05 sa 75-67-69-82 pagtatapos.

vuukle comment

CRUZ

DELA CRUZ

HENSON

MALAYONG

REY HENSON

RUBEN TUPAS

SI CONRADO VICENTE

SI YAMCO

TUPAS

VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with