Celtics sinapawan ng Magic
BOSTON - Kumamada si shooting guard Desmond Bane ng 24 points para akayin ang Orlando Magic sa 115-105 pagsapaw sa Celtics.
Kumolekta si forward Franz Wagner ng 21 points, siyam na assists at walong rebounds, habang may 20 markers si Anthony Black para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Orlando (6-7).
Ito ang unang home loss ng Boston (11-3) nga?yong season kasabay ng pagtatapos ng kanilang six-game winning streak.
Humakot si Jayson Ta?tum ng 24 points at 12 rebounds para sa Celtics na nakahugot kina Paul George at Payton Pritchard ng 22 at 21 points, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Magic ang 50-41 halftime lead bago maiwanan sa 75-77 sa third period.
Ang dunk ni Wendell Carter Jr. at jumper ni Bane ang nagbigay sa Orlando ng 110-99 kalamangan sa huling 1:33 minuto ng fourth quarter.
Mula rito ay hindi na nakadikit ang Boston.
Sa iba pang laro, tinusok ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls, 126-115; binutas ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets, 135-123; panalo ang Miami Heat sa Houston Rockets, 128-110; tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Portland Trail Blazers, 106-98; at dinaig ng Pelicans ang Golden State Warriors, 115-94.
- Latest
















