^

PM Sports

Pacquiao-Marquez sa GMA-7

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago ang pagsasahimpapawid sa bansa ng pinakahihintay na muling paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, sisiyasatin muna ng GMA Network ang isa sa pinaka-maiinit na tapatan sa kasaysayan ng boxing sa ‘Ang Huling Pagtutuos: The Pacquiao-Marquez 4 Pre-fight Special’ ngayong Linggo.

Mapapanood ito sa ganap na alas-diyes ng umaga sa GMA Channel 7 bago ang mismong laban na ipapalabas naman sa ganap na alas-onse.

Kasama si Chino Trinidad, babalikan sa naturang boxing special ang unang tatlong laban sa pagitan nina Pacquiao at Marquez at kung paano nila parehong narating ang kani-kanilang kasalukuyang estado bilang dalawa sa pinaka-tiniti-ngalang pangalan sa larangan ng boxing.

Dapat ding abangan ang mga fearless forecast na ibabahagi ng mga kilalang eksperto sa larangan ng boxing sa salpukan nina Pacquiao  at Marquez na muling gaganapin sa MGM Grand Garden Arena  sa Las Vegas, Nevada ngayong Linggo.

Magkakaroon din ng replay ang main event na Pacquiao-Marquez ng alas-10:00 ng gabi sa GMA Channel 7.

vuukle comment

ANG HULING PAGTUTUOS

CHINO TRINIDAD

GRAND GARDEN ARENA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LINGGO

MARQUEZ

PACQUIAO

PACQUIAO-MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with