^

True Confessions

Suklam (38)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ISINAMA ako at nag­hapi-hapi kami sa isang bar—medyo nalasing nga ako, ‘Tay. Mabuti at nawala ang pagkalasing ko nang makalabas sa bar. Si­guro dahil sa usok ng yosi kaya ako nalasing,’’ sabi ni Brent nang naka­upo na sa sopa.

“Bakit ka niya isinama?’’

“Nagtataka nga ako, ‘Tay. Pero sabi niya, gusto akong maging kaibigan.’’

“Wala ka namang na­hahalata na kakaiba habang nag-iinuman kayo?’’

“Wala naman kundi ang sabi sa akin e magkuwento raw ako ng mga nangyayari sa opisina.’’

“Anong sagot mo?’’

“Sabi ko’y wala namang nangyayari sa opisina.’’

“’Yun lang ang sinabi mo?’’

“Opo.’’

“’Kala ko nagkuwento ka tungkol sa ginagawa ng asawa.’’

“Hindi ’Tay. Naalala ko ang sinabi mo. Nakontrol ko ang sarili.’’

“Tama ‘yun. Huwag­ ka nang makialam sa problema nila. Hayaan mo na ang lalaki ang makadiskubre sa gina­gawa ng asawa.’’

Na­­­patango si Brent.

“Pero ’Tay mukhang hindi ako titigilan at talagang pinipilit akong magkuwento. Lumabas­ daw uli kami minsan—mag-inuman daw uli.’’

“Basta huwag mong sasabihin ang mga nalalaman mo.’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with