^

True Confessions

Suklam (11)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MAKALIPAS ang 30 minuto, nakita ni Brent na lumabas si Oscar mula sa stockroom. Makalipas ang ilang minuto, lumabas naman si Vivian.

Tama ang hinala ni Brent—may ginawa na namang “milagro” ang dalawa sa stockroom. Nangyari iyon ilang oras makaraang makaalis ang mister at anak ni Vivian. Talagang hindi na mapigilan ang “kati” ni Vivian.

Itinuon na lamang ni Brent ang sarili sa pagtatrabaho sa harap ng computer. Pero kahit nagtatrabaho, ang ginagawang “Milagro” nina Vivian at Oscar ang nasa isip niya. Hindi maalis sa isipan niya. At lalong lumalaki ang pagkasuklam niya kay Vivian.

Isumbong na kaya niya sa management ang ginagawa nila?

O kausapin niya ang mister ni Vivian at sabihin dito ang nangyayari?

SABADO. Kasama na naman ni Vivian sa opisina ang mister at asawa nito. Siguro nga, naghihinala na ang mister. Baka may naaamoy na.

Biglang may naisip si Brent, kaibiganin kaya niya ang mister ni Vivian. Lapitan kaya niya ngayon?

Tumiyempo si Brent.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with