^

True Confessions

Kaibigan (85)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Siyempre naman, Dex. Ikaw lang kasi ang mailap, ha-ha-ha!’’ sabi ni Tess.

‘‘Hindi naman ako ma­ilap. Kung mailap ako e hindi sana ako sasama rito. Pero dahil birthday mo next month e pinagbigyan kita.’’

‘‘Salamat Dex,’’ sabi at tinitigan ito nang malagkit.

‘‘Ang lagkit ng tingin mo, baka madikit ako nang husto sa’yo.’’

‘‘’Yun nga ang gusto ko, ha-ha-ha!’’

‘‘Pero kung birthday mo next month, bakit ako lang inanyayahan mo. Nasan ang mga kasama mo sa HR.’’

‘‘Siyempre ikaw lang ang ininvite ko dahil special ka —super special para sa akin.’’

‘‘Super special pa ha? Baka naman ginugudtaym mo lang ako.’’

‘‘Hindi. Super special ka talaga sa akin, Dex.’’

‘‘Sige naniniwala na ako.’’

Sa ilalim ng mesa, lihim na kiniskis ni Tess ang hita sa tuhod ni Dex. Parang na­kuryente si Dex. Nagkatinginan sila. Kinindatan ni Tess si Dex.

Maya-maya, dumating na ang order nila. Maraming pagkain—malalaking hinalabos na hipon, baked tahong, sinigang na panga ng tuna, sweet and sour pampano, kanin at may himagas pang coffee jelly.

Pagkatapos maiayos ng waiter ang mga pagkain sa mesa, nagpahabol pa si Tess.

‘‘Bigyan mo pa kami ng dalawang beer.’’

Kinuha ng waiter ang order at saka umalis. Maya-maya dala na ang malamig na dalawang beer.

‘‘Kainan na!’’ sabi ni Tess.

Kumain na sila. Ta­mang-tama kay Dex dahil gutom na siya. Mahusay pipili ng restaurant si Tess, naisip ni Dex. Masarap ang luto. Sulit na sulit.

“Ang sarap no?’’ tanong ni Tess.

“Oo. Matagal ka na bang kumakain dito?’’

“Kailan lang.’’

Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Masarap isawsaw ang halabos na hipon sa spicy suka.

“Inumin mo ang beer mo Dex.’’

Ininom ni Dex. Tamang-tama ang lamig.

Nang maubos ang unang beer umorder pa si Tess.

Hanggang nasundan pa.

Dakong alas onse, lasing­ na si Tess. Inalalayan na ni Dex sa upuan. May tama na!

(Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with