^

True Confessions

Monay (126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang nanananghalian na sina Joem at Cath sa paborito nilang seafood restaurant, tungkol kay Trishia ang kanilang pinag-uusapan. Alam na ni Cath ang buong istorya kung bakit ganun ang pagkainis ni Trishia kay Joem. Malawak ang pang-unawa ni Cath at pinayuhan si Joem na huwag seryosohin ang bagay.

“Huwag kang magpaka-stress dahil sa mga sinabi ni Trishia. Ituring mo na lang na may taong nagbiro sa iyo at tawanan ang kanyang biro. That’s it. Huwag kang magpapapekto, Hon.’’

“Ganun nga sana ang gagawin ko kaso e pati ang age mo e pinipintasan. Hindi ko mapapalampas ang sinumang manglalait sa iyo. Laitin na ako pero huwag ang mahal ko.’’

“Alam ko naman yan. Ta-gapagtanggol mo ako lagi. Pero huwag mo nang pansinin kahit na pinupuna ang edad  ko. Totoo naman di ba. Haya-an mo lang at titigil din yun.’’

“At saka isa pa ngang nagpasiklab sa akin e ang yaman mo raw ang target ko kaya kita pinakasalan.’’

“Hayaan mo na lang. Hindi naman totoo.’’

“Kaya nga ang sabi ko sa uod na yun, tunay na pagmamahal ang dahilan kaya kita pinakasalan. Ang kabaitan mo at kabusilakan ng ugali ang aking nakita. Hindi katulad ng uod na ang gusto’y sumira ng magandang pagsasama.’’

Halatang nasiyahan si Cath sa mga sinabi ni Joem. Talagang walang kapantay ang pagmamahal nito sa kanya.

‘‘Sige kumain na muna tayo, Joem. Huwag ka nang magalit sa babaing iyon. Baka kung mapaano ka lang.’’

‘‘Sige, hindi na ako magpapakagalit. Wala ngang magandang ibubuti kung magpapakagalit ako.’’

“Ganyan nga. Huwag kang magpapaka-stress dahil lang dun.’’

Kinagabihan, nagla­lambing si Mam Cath kay Joem.

“Ang sakit ng likod ko Joem.’’

“Hilutin ko.’’

“Please. Ganito yata kapag tumatanda na.’’

“Hindi ka naman matanda. Ang matand ay uugud-ugod na.’’

“Kahit matanda na ako, mamahalin mo pa rin?’’

‘‘Siyempre naman.’’

‘‘Gaano mo kamahal?’’

“Mahal na mahal!’’

“Paano kung hindi na tayo magka-baby?’’

“E di walang mababago. Mahal pa rin kita.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with