Ahas sa Garden (333)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

TINUNGO ni Brenda ang bahay kung saan siya umupa ng kuwarto. Walang pagbabago sa bahay. Bakbak ang pintura ng dingding. Sira ang down spout ng bubong. Walang balak ipaayos para maging presentable. Pero wala na siyang paki roon. Kahit na marusing na bahay, kakagatin niya. Ang mahalaga ay mayroon siyang matulugan at mapagtaguan na rin. Mukhang sa lugar na ito ay mahihirapan siyang madakma ng pulis.

Wala ang may-aring babae ng bahay na kausap niya noon. Ang naratnan niya ay ang asawang lalaki na kung tumingin ay para na siyang hinuhubaran ng panty.

“Mang Leo, si Aling  Paula po nandiyan?’’

Napamulagat ang lalaki.

“Uy Brenda ikaw pala. Lalo kang gumanda at sumeksi. Wala rito si Paula. Nagsisimba sa Baclaran.’’

‘‘Meron pa po ba kayong bakanteng kuwarto? Uupa uli ako.’’

“Wala na Brenda pero dahil ikaw ang uupa, gagawa ako ng paraan para magkaroon. Malakas ka sa akin e…’’

Napangiti si Brenda. Alam niya kung bakit gusto ni Mang Leo na umupa uli siya ng kuwarto. Mayroon na naman itong masisilipan. Alam niya, napagsawaan na ni Mang Leo ang katawan niya habang naliligo. Sa kisame na nasa tapat ng banyo gumawa ng butas si Mang Leo. Hinahayaan niyang manilip ang matanda. Wala namang makukuha sa kanya.

“Salamat Mang Leo.’’

‘‘Puwede ka nang mag­ahinga sa kuwarto, Brenda. O baka gusto mo munang maligo e lilinisan ko ang banyo. Pawis na pawis ka e.’’

“Mamaya na Mang Leo. Magpapahinga muna ako.’’
“Sige ikaw ang bahala.’’

KINABUKASAN, nagtu-ngo si Brenda sa casino kung saan niya nakita si Alexis. Malakas ang kutob niya na makikita uli si Alexis.

Nagkatotoo ang kutob niya sapagkat natanaw niya ang isang lalaki --- walang iba kundi si Alexis.

‘‘Alexis! Alexis!’’

(Itutuloy)

 

ALEXIS BAHAY BAKBAK BRENDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with