Ahas sa Garden (283)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

Lasing na lasing si Brenda nang iuwi ni Jambo sa hotel. Halos hindi na ito makagulapay sa kalasingan. Si Jambo naman ay maliwanag na maliwanag ang isipan. Hindi naman siya uminom. Bakit siya iinom e meron siyang mahalagang gagawin.

Pagkaraang maihiga sa kama si Brenda, kinuha niya sa cabinet ang maleta nito na may pera. Marahan na ma­rahan ang kanyang kilos kahit na sa palagay niya ay hindi magigising ang lasing na si Brenda. Tiyak na bukas na ng umaga ang gising nito.

Binuksan niya ang maleta. Mabuti na lang at hindi ito sinususian ni Brenda. Tiwalang-tiwala na walang magnanakaw ng pera. Marami pang pera sa maleta. Kapag binawasan niya, hindi mahahalata ni Brenda. Limang bungkos ang kinuha niya. Tatlo rito ay itatago niya at ang dalawa ay kunwaring tinubo sa ipinapautang niyang pera sa casino.

Makaraang makapagnakaw, maayos niyang ibinalik ang maleta sa cabinet. Kung ano ang ayos nang kinuha niya, ganundin nang ibalik niya. Nakangisi si Jambo nang maibalik ang maleta.

Pagkaraan ay sinul­yapan niya si Brenda sa kama. Tulog na tulog si Brenda Baby. Tiyak, bukas na ito ma­gigising.

Itinago niyang ma­buti ang ninakaw kay Brenda.

(Itutuloy)

LASING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with