^

True Confessions

Sadiq (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT kaya galit sa iyo si Pakito, Sadiq? Pakiramdam ko asar na asar sa’yo. At ako ang ginagawa niyang tulay para maiparating sa’yo ang pang-aasar. Bakit kaya, Sadiq?’” sabi ni JayR na nahihiwagaan pa rin sa mga nangyayari.

“Alam ko, JayR kung bakit galit o asar sa akin ang Pakito na yun.”

“Ano?”

“Akala kasi niya ako ang nagti-tip sa mga motawa na may nag-iinuman dito sa villa natin.’’
“Bakit ikaw ang pinag-    bibintangan?’’

“Ewan ko sa gagong yun.’’

“Sira nga siguro ang ulo ano Sadiq.’’

“Sabi ko nga sa’yo. Palibhasa kasi, hindi ako nakikisama sa ginagawa nilang inuman, madyong, at kung anu-ano pa, ako ang pinagbibintangan.’’

“Sira nga siguro ang ulo ni Pakito.’’

“Kaya huwag mong intindihin ang mga sinasabi ng gagong ‘yun. Kapag kinausap ka, tumango ka lang nang tumango. Ganun lang. Wala kang makukuha sa pakikipag-usap kay Pakito. Di ba sabi ko sa’yo, lulong sa sugal yan at lubog sa utang. Naghahanap ng damay kaya kung anu-ano ang naiisip itsismis.’’

Napatangu-tango na lang si JayR.

Pero hindi pa rin ma-alis sa isip ang sinabi ni Pakito na “couple”. Kumusta raw ang mag-“couple”?

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with